Open Letter

22 Nobyembre 2021



    Paksa: Hiling para sa iyong serbisyo para sa aming mga mamamayan


    Para sa mga taong tumatakbo bilang pulitiko para sa gobyerno sa pilipinas, Magandang araw po sa inyo! Ako po ay isa sa kabataan ng Republika ng Pilipinas, ang bansang iyong nais paglingkuran. Tulad lang ng marami, ako po ay mayroong maraming kahilingan at mga bagay na sasabihin sa inyo. Hindi na bago ang mga problema at isyu sa ating bansa, at ang mga tao ay walang ibang inaasam kundi pagbabago.


    Una, gusto kong sabihin na, hindi madali ang paghawak sa ating bansa. Malaki ang respeto ko sa inyong lahat dahil ang pagiging politiko ay hindi madali at nangangailangan ng maraming kaalaman. Natitiyak kong lahat kayo o isa sa inyo ay maaaring magbago ng ating mga paraan para sa ating bansa


    Pangalawa, bilang isang mag-aaral at isang mamamayan, ang aming mga opinyon ay hindi laging naririnig. Nahihirapan tayong subukan at abutin ang mga pulitiko para baguhin ang ating gobyerno. Gusto kong kumilos ang ating mga pulitiko at marinig ang panig ng mga mamamayan, ito ang pinakamahalagang bahagi ng pagiging isang politiko. Nais kong magbago ang ating gobyerno para sa ikabubuti.


    Pangatlo, kung isa sa inyo ay nanalo at naging pangulo o bahagi ng pamahalaan, kaya niyo po bang panatilihin ang iyong mga plataporma? May kasaysayan na ang ating bansa na magkaroon ng mga pangulong sa simula lang isinasapuso ang kanilang serbisyong pinangako sa mga mamamayan. Kaming mga mamamayan sa Pilipinas ay walang ibang nais kundi ang magkaroon ng pangulong tutulong talaga sa mga tao.

     Diyan po magtatapos ang aking mga nais sabihin sa inyo bilang isa sa mga pulitikong tatakbo sa halalan 2021. Nawa’y naunawaan niyo po ang aking mga dahilan sa paglahad ng mga kahilingang iyan. Maraming salamat po!

Comments